Garing Pantatak ng Butuan

Ang garing pantatak na matatagpuan sa Pambansang Museo ng Pilipinas.
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas

Ang Garing Pantatak ng Butuan (Ingles: Butuan Ivory Seal o BIS) ay isang garing pantatak o pribadong pantatak na nauugnay sa garing na pangil ng rinosero, napetsahan mula ika-9 - ika-12 siglo, na natuklasan sa Libertad, Butuan sa Agusan del Norte sa katimugang Pilipinas. Nakaukit sa selyo ang salitang Butban sa nakaistilong Kawi. Magkahawig ang sulat sa sulat Tagalog. Ipinapalagay na kumakatawan ang butban sa Butwan o Butuan, dahil kalimitang nagkapalit ang mga letrang "b" at "w". Matatagpuan na ngayon ang garing pantatak sa Pambansang Museo ng Pilipinas.[1]

  1. "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-03-24. Nakuha noong 2017-02-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search